Saturday, November 7, 2009

Sa inyong opinion, bakit marami sa mga tao nakikipagtalik (sex) lalo na sa mga hindi naman mag-asawa.

From: Lito of Parañaque

" Saking opinion, kaya maraming tao ang gumagawa ng pakikipagtalik or sex kahit hindi pa mag-asawa ay dahil ubod ng sarap nito. Ha ha ha! Marami akong kilala, halos lahat ay iisa ang kanilang dahilan: "Masarap e" Ha ha ha! Although parang napakababaw na dahilan na dahil masarap ay gugustuhin na ng karamihan. Ang mga scientist at maging mga relugious people ay may rason dito na ang pakikipagtalik, sa sandaling matikman ay parang droga na nakaka-addict kaya hindi ito maiwasang gawin."


From: Annie of Binondo, Manila

" Para sa aking opinion, isang ka-imoralan ang pakikipagtalik o sex sa mga hindi mag asawa. Kaya lang, dahil sa tawag ng pangangailangan o pagnanasa ng sensasyon sa laman ay hindi na ito mapigil. Gustuhin man ng nakararami na ito'y pigilan ay hindi na ito magawa dahil na din siguro sa naidudulot nitong kaligayahan sa katawan."


From: Max ng Sta. Cruz, Manila

" Ito ang opinion ko tungkol sa bakit nakikipagtalik ang marami kahit hindi mag-asawa. Una, nakakapagbigay ito ng isang makalimot-diwang sarap. Ikalawa, tumatanim sa isipan ng nakaranas nito na pagnasahang muli ang walang kasing sarap na experience. At pangatlo, iniisip ng mga nakaranas nito na may kakaibang ligaya na maaaring maranasan. Kaya pag ito'y naranasan ay nagagawang muli sa kahit hindi nila asawa."


From: Meldy of Marikina

" In my opinion, people have sex outside of marriage because hindi nila iniisip ang consequences ng mga ginagawa nila. They do it out of pleasure. Hindi nila iniisip ang mga bagay na puedeng mangyari after having sex, like getting pregnant, getting sexually transmitted diseases, or even destrying a happy family."

Friday, November 6, 2009

Sa inyong opinion, naniniwala ka bang ang solusyon sa kahirapan ng Pilipinas ay ang bitayin ang mga tamad at kurakot? Bakit?

From: Secret of Pasay

" Totoo na malaking problema sa Pilipinas ang kahirapan. Dala na rin ng mga iba't ibang dahilan. Kasama na dito ang katamaran at taong mga kurakot. Kaya lang, parang masyadong mabigat na solusyon ang bitay para maging daan sa pag-ahon sa kahirapan. Para sa akin, ang kahirapan ay problema na nga, daragdagan pa ba natin ng isa pang problema? Sa aking opinion, gumawa ka lang ng tuwid ay unti-unti ng maiibsan ang kahirapan."


From: Medi Mercado of Pasig City

" Hello! Ok itong naisip nyo na blog. Mansan kasi, may mga opinion ang tao na pag nabasa ng iba ay puwedeng makapagbigay-linaw sa kanya. Para sa akin, pabor ako sa solusyon na bitay sa mga tamad at kurakot. Dahil kung ito nga ba ang makakatulong upang mahango ang Pilipinas sa kahirapan, why not, di ba?"


From: Pet of Makati Avenue

" I've been struggling in life for years. Pero palibhasa marami ang kurakot at mga tamad na humahatak sa pag-unlad sa Pilipinas, naaapektuhan tuloy ang mga taong hindi. Bigyan ko kayo ng example. Nagtayo ako ng isang kainan, nag-hire ako ng tao, seven sila. Yung tatlo ay tamad, madalas ay iniaasa ang kanilang trabaho sa iba, so ang nangyayari tinatamad na ring gumawa yung iba. Dahil ang katwiran nila, bakit pa sila gagawa e iniisahan lang naman sila nung iba. So, bumagsak ang negosyo ko. Kung may bitay lang sana sa mga tamad, e di good sana a takbo ng negosyo ko."

Sa inyong opinion, ano ang dapat ipinagdiriwang ng tao, ang kapanganakan ba o ang kamatayan? Bakit?

From: Josh of Bulacan

"Hi! This is Josh of Bulacan. Sa akin, ang kapanganakan ang dapat na ipinagdiriwang ng tao kaysa kamatayan. It's awkward to celebrate a loss of a loved one or a friend. Mas madali kasing magdiwang o gumawa ng kasiyahan sa panahon ng kapanganakan kaysa kamatayan. Mahirap kasing tanggaping nawala o namatay na ang isang tao, lalo na pag napamahal na ito sa iyo."


From: Pipi of Cubao

" Para sakin, di ko masyadong ma-gets kung bakit kailangan ipagdiwang ng tao ang kapanganakan. E ito'y nangyayari ng normal na bagay sa isang tao, para banh paghinga. Gayon din naman ang kamatayan. Sa ayaw mo't sa gusto ay namamatay ang tao. Kaya sakin, di ko din gets na ipagdiwang ang kamatayan ng tao, e isa itong kawalan."


From: C.D. Rom of Bucal, Calamba

"Hindi ko alam kung makatwiran ang ipagdiwang ang kamatayan ng isang tao. Kaakibat kasi nito ang lungkot, hapdi sa damdamin, at pangungulila. Minsan ay nakarinig ako sa mangangaral ng Bible na kung may dapat ipagdiwang ang tao, ito ay ang kamatayan dahil sa ito raw ang panahon na kung saan ang kaluluwa ng isang namatay ay babalik na sa kamay ng nagbigay sa kanya ng buhay. I think, it makes sense."


From: Greggie ng Pasay City

" Nag-try lang ako maglagay ng opinion dito sa "Opinion Mo". Parang oks ito. Parang gusto kong piliin na ang dapat ipinagdiriwang ng tao ay ang kamatayan. Dahil kung pag-uukulan ng pansin at pag-iisipan, pagpapahinga na ito ng tao sa padanas ng walang humpay na pakikipagsapalaran sa buhay. Hindi ba, ubod ng hirap mabuhay?"

Sa inyong opinion, dapat bang tangkilikin o tanggapin sa lipunan ang mga "EMO"?

From: Jhet of M. Reyes, Makati City

"Sa aking opinion, isang uri ng sakit sa pag-iisip ang ginagawa ng mga taong "emo"/ Kaya ko ito nasabi, dahil bakit kailangan nilang manatili sa pagiging "emo" e puede naman hindi. Puede naman silang mamuhay ng tulad ng iba (normal) o mas nakararami. May kakilala akong ganito. Mahirap siyang unawain. Para siyang taong may pigsa, konting makanti ay umaaray. HAHAHA! Sorry na lang sa inyong mga "emo", ito ang opinion ko at 'la kayong pakialam dito."


From: Tessie Evangelista of Las Piñas City

" Naaawa ako sa mga taong emo. Parang pinahihirap lang nila ang takbo ng buhay, na kung iyong iisipen ay puwedi namang hinde. Hinde ba nila naiisep na kahit papano ay nakakaapekto sila sa mga taong nakapaligid sa kanila at kung ito'y magkaganitu ay makakaepekto din sila sa lipunan as a whole. Sa mga taong emo...please lang, try lang not to be one."


From Tina Perez of Alabang

"Sa aking opinion, ok lang na tangkilikin ang mga Emo. Di ba? Tao pa rin sila. maaaring naiiba ang kanilang kilos, gawi, gusto at kung anu-ano pa. Hindi ba't choice nila ito, ang maging emo? Para ding mga bakla at tomboy, magnanakaw, mangungurakot at iba pa. Di ba't kung gusto ng magnanakaw na wag ng maging magnanakaw ay puwede n'yang gawin? So pareho din ito ng mga Emo. Ang bawat taong nakakapag-sisp ay may kakayahang gawin ang gusto niyang gawin. Bottom line, kakaiba man ang mga Emo ay bahagi pa rin sila sa isang lipunan."


From: Raul "Baog" of Bangkal

"Wa pakels kayo sa opinion ko. Tangkilikin man o hindi ng lipunan ang mga emo ay wala silang magagawa. Nandyan na yan! Take it or leave it. Hehehe!

Sa inyong opinion, ano ang masasabi mo sa kasabihang " Ang mga Bakla ay salot sa lipunan."

From: Venus Sanchez of Cabuyao, Laguna

"Lumaki akong mapala-sambahin at mula sa aming mga mangangaral, nasabi nilang lalaki at babae lang ang ginawa ng Diyos. So, lumalabas, ang bakla na ang kasarian ay nasa gitna ng lalaki at babae ay walang puwang na makihalubilo sa mga normal (babae at lalaki). Ang pagiging salot nila sa lipunan ay paghahasik ng ka-imoralan. Lalung-lao na ang pakikipagtalik nila sa kapwa lalaki!"


From: Vicky Joy of Biñan, Laguna

"Para sa akin, hindi ko maituturing na salot ang mga bakla o bading. Malaki ang naitutulong nila sa lipunan. Unang-una na sa larangan ng entertainment, fashion at ngayon sa mga call centers. Marami akong kilalang bakla, masisipag sila at kadalasan sila pa ang naaasahan ng pamilya. Kaya sana, huwag silang markahan ng salot sa lipunan."


From: Ramon D' 3rd of Lucena, Quezon

"Mahabag usapin kung pagtatalunan ang tungkol sa topic na ito. But I'll try to give my opinion. Malay mo baka makatanggap ako ng tshirt, hehehe. Ang pagiging bakla alone ay di maituturing na salot sa lipunan. But, if they're committing immorality at mga kasalanang pang-lipunan... dito ay nagiging salot na sila."


From: Marita ng Baclaran

" Bakit nga ba tinatawag na salot ang mga bakla? Parang di naman yata makatarungan sa mga katulad nila ang bansagan ng ganito. Totoong kakaiba sila sa mga normal (lalaki at babae) pero di ito siguro sapat na maging batayan para magkaroon ng napakasamang husga sa mga taong di nakakaunawa sa kanilang kalagayan. Totoo rin na may mga baklang ubod ng sasama. Pero di naman siguro tamang lahatin. Ang kasamaan ng ilan ay di magandang idamay ang iba na di naman masama."